Tuesday, April 5, 2011

Unang Hirit sa Taginit

Sa sobrang conflict at sa dami ng activities, hindi namin maplano ang isang bonggang OUT OF TOWN for this summer. We have just decided to go any resort na malapit on our ORDINARY SUNDAY...

Napagkasunduan na April 3 kami magswimming. Kaso, naging busy sila at hindi na makawra sa bahay ng sabay sabay. Sa phone na nga lang naguusap usap.

So, April 3, 12:30 pm, nang dumating sa bahay si ate Mariane at Richel para malaman kung wat time aalis and kung anong food ang kanya-kanyang dadalin... Si lupe, nagaayos pa, si freaky nagluluto pa ng pansit, si kiko tulog pa, si cza wala parin eksena at si Itchie nakaibabaw pa.... lol

So, kaming tatlo na ang nag decide kung saan at anong oras aalis. 2pm na sila umalis ng bahay para mag ayos. Si freaky, nagtext "nakaalis na pala kayo, d nalang ako sasama". Yun pala niloko ni Ace na nakaalis na kami.

Pag alis nila, sinundo ko ang aking COLLEGE FRIEND na si Rose sa Taytay.

Then pagdating namin sa bahay, andito na si Lupe, Freaky, Cza, Richell at Mariane. Wait nalang namin si Itchie. Umalis si Lupe, uwi daw sya kasi nalimutan nya ung BRIEF nya. Pinabili ko na rin ng Pizza sa Greenwich. Dadaanan nalang namin sila ni Ate mica sa Jollibee.




Punta na kami sa sasakyan, dun nalang namin wait si Itchie sa labas. syempre, habang inaantay si Itchie, na nalate dahil nagdrama pa sa bf nya... naglolokohan parin.. asaran Si Richel na naiinis dahil walang digicam...

Seat plan...
Cza and Rose sa harap

Mariane, Richel, Itchie at freaky sa gitna.

 KIKO: "Ang mga bakla sa likod! Mariane, dito ka!".

Pagdating namin sa Jollibee, naka abang na ang dalawang bakla, kabog nanaman sa outfit ni Ate mica...
Si ate marian, naka pang party outfit. Nagkulot pa yan...

First, nagpagas kami. dahil gusto ni Lupe dumaan ng dalig, dun kami dumaan. First stop, SaveMore sa Morong...

Nag hiwa-hiwalay kami:
Si Mariane at Itchie, bumili ng sisig sa malayong lugar.
Si Rose at Freaky, bumili ng mannga. 
Si Lupe, Kiko at Ate mica, nagpapaikot ikot... 
nagpapapicture sa Tombraider na kasama si Machete. 
Ako nakapila sa ATM. 
Si Cza at Richel nasa kabilang kalsada, bumibili ng bigas. 

Pagtawid ni Richel, tawid ulit para bumili ng alak sa tindahan.. Walang tindang alak... Tawid nanaman. RICHEL: " baka sabihin ng mga tricycle driver eh tayoy pabalik-balik.".

Pasok ulit kami sa savemore. D namin alam kung nasan na sila. Kuha ako ng push cart. Get ng waterloo at coke. Nahihirapan si Richel pagtulak ng cart kasi pumapaling pag mabigat. Sabi ko ako na. Ayaw "di bagay sayo, Madaam". Tapos, getchos ng chichirya at ng chaser. Humahanap ako ng Magnolia Calamansi na Juice. Ayaw daw nya nun. Sabi ko "eh un ung gusto nila" sabi nya, "sabihin natin wala".

Punta na kami sa Counter. Sabi nung cashier, dun po sa 14 walang nakapila, tumakbo si bakla, pumila habang inaantay ako. Kaso nag-overtake parin ung matanda sa kanya. Ang napagtripan naman eh ung bagger. 

Tinanong si Richel "maam, ipaplastic ko pa po ba?"
Richel: " OO. I plastik mo" (masungit). Nung naiplastic na nung bagger, "wag mo ng iplastic". Ung bagger may sinasabi sakin habang tawa ako ng tawa. Richel " wag mo syang kausapin, Madaam ko yan" hindi basta-basta kinakausap yan...

Punta na kami sa Wines section. Sabi ni Richel dun sa Sales man...

Richel: "meron kayong ****(alak)". 
Sales man: "ay maam, wala na po tayong ****(alak). 
Richel: "Ah, wala na KAYONG ***(ALAK)? sabi mo kasi "TAYO".
Ako'y tawa ng tawa.


Tapos balik kami sa loob para bumili ng yelo. Tumatawag si ate Mariane, andun din daw sila. Nagkita-kita kami sa supermarket. More more pa ang binili, imbis na yelo lang...

Nagpatulong kami sa bagger na ihatid ung binili sa sasakyan, eh, pumila pa si Richell dun sa Hershey's Ice cream na P5 per scoop. Nakipagkwentuhan si Lupe dun sa bagger: 

LUPE: "Anong name mo?" 
BAGGER: "Ryan"
LUPE: "Ako nga pala si Judy ann".

Food:
Freaky - Pansit. 
Mariane - Inihaw na bangus. 
Richel- Hotdog(favorite). 
Ate Mica and Lupe - chicken. 
Itchie - super sarap na sisig. 
Cza - bigas. 
Ako, dahil walang Pizza, cottage ang binayaran ko.

Balik na kami dun sa parking, andun na sila, nagaantay. Pictorial mode.
Sobrang tagal nung pag groceries namin, 6 pm na kami nung dumating s resort. Pagbaba namin, nagpasama na sa kin si Marian na bumili ng yosi sa Gasoline station sa tapat. Pagpasok namin, wala man lang crew na bumati samin, tahimik, sabi ko nalang kay marian "yes maam, ano po un" tsaka kami nagtawanan.

Pagdating dun, super lamig. Ang lakas ng hangin. Nagstart na si ate Mariane mag luto... Ang mga bakla nagpalingas na ng baga para sa pag iihaw. Bumili si Rose ng mannga, pero walang kutsilyo, sabi nya hihiram daw sya dun sa mga lalaki. Bago palang sya lalapit nag alisan na. Nginatngat nalang nya ung mangga.
 ang kaibigan kong alcoholic! haha!

Dahil sobrang lamig, sinimulan na namin magpainit. Inom na kami nila richel, rose at itchie. Si freaky miron lang. Si cza ayaw uminom, ang mga bakla, bumili ng kerosene sa gas station sa tapat. Si ate marian ang punong abala.
 Nalalasing na si Rose, nauna na sila magswimming ni Freaky.

 Nagswimming na si Lupe at ate mica. May nakilala si Lupe na lalaking HIPON. LUPE "anong name mo? HIPON "Martin". LUPE "ako nga pala si Pops.

 
Kami'y naginom parin ni Itchie, Richel at mariane. Hindi kami tinatamaan. Nung naubos na ang alak, umahon na si Freaky at Rose. Ginaw na ginaw. Kami naman ang nagswimming. nakaktakot sa pool kasi ung gitna super lalim. Nagchichikahan kami ni ate Mariane. Sumali si Kiko at Richel. Habang nagkukwentuhan, umuusog na pala kami sa malalim. 



Si itchie, nag aaya dun sa kabilang pool. Para daw may thrill. Eh ayaw namin lumipat. Sinabihan kami ng KJ. Ang ending kaming apat sinasabihan si Itchie ng KJ! Umahon na kami kasi sobrang lamig na, nag bibihis na pala si freaky. Si Rose nasa cottage lang kasama mga bakla. Giniginaw parin. Sumabay na samin magbihis.


Kaming lima ung nasa shower room. Ang kulit nila. Madami naman shower eh, siksik ng siksik si Itchie at Richel sa shower namin ni Marian. Mga naka panty sila maligo. Ang babastos pa ng mga bunganga. Si Itchie naghuhugas ng wetpax, Si Richel naman pingping! parang sumasayaw lang.

Nauna ako nakapagbihis. Punta na ako sa cottage. Binilin ko kay mariane ung bisita ko. Ang tagal nila. Binalikan ko, hindi parin tapos si Itchie at Richel. Mariane: "kaya pala ang puputi nyo, ang tagal nyo maligo!!".

After nun, uwi na kami at nagdesisyon na maginom nalang sa bahay. MAs matagal kami namili kesa sa pagswimming. Pagdating sa bahay, ang mga merly sa kama ko nagkwentuhan... Ung feeling merly tulog sa labas ng kwarto ko. Naginom nalang kami ni Mariane, Lupe, Kiko at ate mica. Cza, Richel at rose, nagkakape... Freaky, busy nakikipagtelebabad( sa bisexual?) lol! Ang mga Hombre (jay at tokne) mga security guard sa gate namin.

2 am na sila nagawrahan.


Its been a while...

No comments:

Post a Comment